Archive for October, 2006

philippine idol

Saturday, October 21st, 2006

my mom couldn’t have said it better. when heard me complain about the idol results (with me saying how the best singers are being voted out), sabi niya, "ay, eh kasi, voting power ‘yan diba? eh ganyan din nangyayari sa gobyerno natin. yung may pera ang nananalo!"

hayyyyyyyyyyyy. i don’t wanna believe it but gawd, there’s just a LOT of truth in what she said. that, and the other reality that i again don’t wanna recognize that we may be too in love with belt-out queens and good looks. why, oh why, can’t the contestants who are IN TUNE, ON KEY, WITH THE BEAT, and HAS A GOOD INTERPRETATION avoid the bottom three spots?!?!?! WHY, GOD, WHY?!?!

Palibahasa ngayon lang ako ulit nakanood ng Sabado ng gabi kaya medyo naninikip ang dibdib ko. Ngayon ko lang kasi nakita ang lalim ng bakat ng frustration sa mukha at boses ni Mr. C, at pati na rin Kay Wency Cornejo (nevermind Pilita who gracefully gets around criticizing voice by instead focusing on the wardrobe)…Lagi na lang kasi ako sa naka-rely sa downloaded performances eh…Pero ngayong nakanood ako ulit….PARE NAMAN.

Ngayong gabi, sobrang naapektuhan lang talaga ako sa performance ni Ken dahil nababoy niya ang kanta ng Eraserheads. Please naman. Kung hindi mo alam ang kahulugan ng mga salita na ginamit sa lyrics ng isang kanta, wag mo ng kantahin dahil siguradong matatapilok at mabubulol ka niyan. Ayan tuloy, tinan mo anong nangyari sa ‘Ligaya’. Ang ganda-ganda pa naman ng kantang ‘yon! Napaka-Pinoy ng lingo at message tapos kakalimutan at papagbaliktarin mo lang ang lyrics, at higit pa, dadagdagan mo pa ng mga salitang hindi naman Filipino! Pinagchacha-chopsuey mo na ang mga pantig at nagbububuo ka ng sarili mong mga salita! Hindi lang insulto ito sa Eheads kundi pati sa wikang Pilipino…hay naku…

Hindi naman ako usually ganito pero siguro dahil mahal ko yung kanta eh hindi ko na napigilan ang mga daliri kong mag-type. Kung ako ganito, ano pa kayang pakiramdam ni Ely…at lalo na si Raymund, na siya pa mismong nagpayo kay Ken na baka hindi bumagay ang reggae twist sa kanta, pero pinagpatuloy pa din…Tsaka hindi lang naman kasi nakalimutan niya ang words eh…Wala talaga sa tono at wala sa tamang pitch, hindi niya maabot!…WAHHHH…..

Anyway….Para kay Ken….ipo-post ko dito ang lyrics. Sana, next time niyang kantahin ito, naisa-ulo na niya ang lyrics ng MABUTI…..I’m hoping that that next opportunity is tomorrow once he’s voted out of Philippine Idol once and for all….


"Ligaya"
Eraserheads

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Chorus:
Sagutin mo lang ako, aking sinta’y walang humpay na ligaya
aasahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko’y walang pangamba
na tayo’y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
di naman ako manyakis tulad nang iba
pinapangako ko sa iyo na igagalang ka

chorus

Aasahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko’y walang pangamba
na tayo’y mabubuhay na tahimika’t buong Ligaya

tagged

Monday, October 16th, 2006

sige na nga. i’m home early anyway. ;-)

as tagged by joy and tin…

1. grab the nearest book
2. open the book to page 123
3. go to the 5th sentence
4. post the next three sentences on your blog along with these instructions
5. don’t
you dare dig for that “cool” or “intellectual” book in your closet! I
know you were thinking about it! just pick up whatever is closest.
6. tag three people

the 5th sentence in page 123 reads: Fort William is 7km/4kmi E.

the clincher: my book is my most-loved encyclopedic dictionary. the 5th sentence is the last sentence that defines Ben Nevis (the highest mountain in the UK).

i’m tagging eyts, arts and irene. :)